Nagbigay ng rekomendasyon kay Pang. Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa nais nilang maupong susunod na hepe ng pambansang pulisya.
Pero kahit na mayroong endorsement ang DILG, iginiit ni interior Undersecretary Jonathan Malaya, na nasa prerogative parin ni Pang. Duterte kung sino ang itatalaga nitong susunod na PNP chief.
Ginawa ng DILG ang hakbang kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni incumbent PNP Chief Debold Sinas sa Mayo a-otso.
Sinuman man ang mapipisil ng chief executive na magiging kapalit ni Sinas ay magsisilbi itong ika-26th PNP Chief ng pambansang pulisya.