Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa bloody campaign laban sa mga Scalawags sa bansa.
Kasunod ito ng pag-aresto sa tatlong PDEA agents matapos ang tangkang pagbebenta ng 1.35 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P9.18M.
Ayon kay DILG secretary Benjamin Abalos Jr., walang puwang sa gobyerno ang sino mang opisyal na masasangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Sinabi ng kalihim na kanilang ipakukulong ang mga tauhan ng gobyerno na mahuhuling lumabag sa batas.
Sinabi pa ni Abalos na sa ngayon, pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) ang mga hakbang para matigil ang “Lucrative Recycling” o ang pagagawa ng mga nasabat na iligal na droga.