Nagbabala ang Department of Interior and Local Govenrnment o DILG sa publiko laban sa mga taong nagpapanggap na mga advocates o tagapagtaguyod ng federalismo at revolutionary government.
Ayon kay DILG-Officer in Charge Catalino Cuy, nakatanggap sila ng impormasyon na ilang mga scammers ang nag-iikot sa buong bansa para mag-alok ng posisyon umano sa pamahalaan sa ilalim ng federal system o rev-gov kapalit ng paghingi ng pera.
Dagdag ni Cuy, sinasabihan umano ng mga nasabing scammers ang kanilang mga target na inilalagay ang ito sa priority list ng mga itatalaga sa pamahalaan basta magbabayad o magdo-donate lamang ng pera.
Kasabay nito, intasan na ni Cuy ang lahat ng lokal na tanggapan ng DILG na balaan ang mga lokal na pamahalaan lalut partikular na target ng mga scammers ay mga kasalukuyan at naghahangad na maging opisyal.
—-