Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Bejamin Abalos kahapon laban sa isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa pagbebenta nito ng mga fire extinguishers sa mga aplikanteng kumukuha ng fire safety permit.
Aniya, tatanggalin niya sa pwesto ang sinumang lalabag sa ilalabas nitong memorandum circular hinggil sa usapin.
Samantala, nahuli naman ng PNP-CIDG ang dalawang lalaki sa rizal dahil sa di umano’y pagpapanggap nitong konektado sila sa BFP para makapag-solicit.
Nahaharap na ngayon sa kasong estafa ang dalawang suspek na dati nang nakulong dahil sa umano’y paggamit sa pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang makapang-i-scam.
Pinaalalahanan naman ng mga otoridad ang publiko na siguruhin ang mga detalye sa solicitation letters upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng scamming. – sa panulat ni Hannah Oledan