Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG ) sa mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagbebenta at nagre-require ng partikular na brand ng fire extinguisher.
Ginagamit ito ng mga applicants bilang requirements sa paglalabas ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC).
Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos, mahaharap sa kinauukulang kaso ang mapapatunayang gumagawa ng gawain alinsunod sa revised implementing rules and regulations ng Republic Act 9114, o mas kilala bilang the Fire Code of the Philippines.
Pinayuhan din ni abalos ang publiko at miyembro ng business sector na ipagbigay-alam agad sa kanila kung may makikitang gumagawa ng nasabing gawain.