Ipasasara ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga establisyimentong lalabag sa ipinatutupad na health at safety guidelines.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, marami silang natatanggap na reklamo mula sa publiko na mga establisyimentong lumalabag sa mga panuntunan na pinayagan nang mag operate tulad ng mga restaurants, amusement park, at gym.
Dagdag ni Malaya, karamihan sa mga ito ay hindi sinusunod ang operational capacity kung saan tanging 50% lamang ang pinapayagan sa mga indoor establishment habang 70% kapasidad naman sa mga outdoor establishments.
Maging ang safety seals aniya ay maaaring tanggalin ng DILG kung ipagpapatuloy ang ginagawang paglabag sa mga panuntunan.
Samantala, inatasan naman ang mga local government units (LGUs) at Philippine National Police na magsagawa ng inspeksiyon sa mga nasabing establishments.