Nagbabala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga kabataang sasali sa mga umano’y youth camps na hindi ine-endorso ng National Youth Commission (NYC).
Partikular na binaggit ni Año ang national students’ youth camp na inorganisa ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).
Aniya, dapat ay mag-isip ng mabuti ang mga mag-aaral bago ito magpahayag ng partisipasyon sa ganitong mga uri ng aktibidad.
Giit pa ni Año, kailangan ay piliin mabuti ang mga sasamahang youth camps para masiguro na hindi mahihikayat ang mga kabataan na tumiwalag sa pamahalaan.
Magugunitang inihayag ng DILG na nakatatanggap sila ng mga katanungan mula sa mga magulang hinggil sa naturang aktibidad.