Nagpaliwanag si Interior And Local Government Secretary Eduardo Año hinggil sa pinakahuling pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito ng shoot to kill order ng pangulo sa mga security officials laban sa sinomang manggugulo at gagamit ng dahas sa gitna ng umiiral na public health emergency sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Año, mayroong tinatawag na qualifier o kondisyon ang pangulo sa kanyang naging kautusan.
Sinabi naman aniya ng pangulo na kapag lumaban, gumamit na ng dahas o nalagay na sa panganib ang buhay ng mga security officials at frontliners saka lamang gumamit ng baril.
Dagdag ni Año, nag-exaggerate lamang aniya ang pangulo sa mensahe nito para bigyang diin ang kahalagahan ng mga medical personnels sa gitna ng bantang dulot ng COVID-19 sa bansa.