Pinaghahandaan na rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nalalapit na anibersaryo ng New People’s Army (NPA) bukas, Huwebes Santo.
Kaugnay nito, inatasan na ni DILG Officer-In-Charge Eduardo Año ang pambansang pulisya gayundin ang lahat ng mga lokal na pamalaan na maging alerto sa posibilidad ng pag-atake ng mga rebelde.
Tinatayang nasa 27,000 pulis ani ni Año ang ipakakalat sa buong bansa upang tiyakin ang seguridad mga magsisi-uwi sa mga lalawigan lalo’t nasabay aniya ang anibersaryo ng npa sa semana santa.
Kasunod nito, umapela rin ng kooperasyon sa publiko ang kalihim kung may mga nakikitang kahina-hinalang tao na may kakaibang ikinikilos at agad itong ipagbigay alam sa mga awtoridad.