Nakatakdang isyuhan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 43 alkalde dahil sa mabagal na pamamahagi ng emergency cash subsidy sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año mayruon pang tatlong porsyento ng mga pamilyang beneficiary ng nasabing cash aid ang hindi pa nakakatanggap nito.
Sinabi ni Año na pagpapaliwanagin nila ang mga nasabing alkalde kung bakit hindi pa rin nabigyan ang mga lahat ng beneficiaries sa kanilang lugar gayung dalawang deadlines na ang ibinigay ng ahensya na nagtapos nitong Mayo 10.