Nakatakdang magdeploy ang Department of Interior and Local Government o DILG ng mga kapulisan sa mga vaccination centers sa Metro Manila.
Ito’y kasunod ng pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ sa National Capital Region o NCR.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mahigpit na ipapatupad ang border control kung saan cargo vessel at mga Authorized Personnel Outside of Residence o APOR lamang ang pinapayagan makapasok sa Metro Manila.
Kinakailangan lamang ipakita ng mga APOR ang kanilang mga IATF ID, valid ID at dokumentong magpapatunay na sila ay nagtatrabaho sa loob ng Metro Manila.
Magugunitang, naglabas ng anunsiyo ang malakanyang na isasailalim sa mahigpit na quarantine classification simula sa alas-6 hanggang 20 ng Agosto dahil sa banta ng delta variant.