Namahagi ng mga bagong ambulansya sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., nasa walumput apat na ambulansya ang ibinigay ng ahensya sa mga city at municipal fire station bilang pangako narin ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nakatanggap ang Region 5 at 7 na may tig-pitong unit; Region 1, 8, 9 at CARAGA na may tig- anim na unit; Region 2, 6, 11, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Administrative Region (CAR) na nakatanggap ng tig-lilimang unit; habang tig-apat naman sa Region 3, 10, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Layunin nitong matugunan ang iba’t-ibang uri ng sakuna na madalas naitatala tuwing holiday season.
Samantala, pinuri naman ng kalihim ang nasa tatlumput apat na libong fire officers na matiyagang nagsisilbi at nagpoprotekta sa buhay ng mga mamamayan lalo na tuwing may emergency at iba pang uri ng kalamidad kahit may kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan.