Binigyang diin ng DILG o Department of the Interior and Local Government na ngayon ay panahon ng public health emergency at hindi usapin ng hustisya matapos sampahan ng ilang abogado sa Cebu ang IATF dahil umano sa mga ipinatutupad na quarantine protocols.
Sinabi ni Interior Undersecretary Epimaco Densing, layon ng mga ipinatutupad na quarantine protocols ay para ingatan ang publiko laban sa COVID-19 lalo’t mayroon pang banta ng mga bagong variants nito.
Gayunman nakikipag ugnayan na aniya ang ahensya kay Cebu Gov. Gwendolyn Gwen Garcia para sa ilang adjustment sa mga panuntunan na ipinatutupad.
‘Sana maiintindihan ng ating mga kababayan sa Cebu at sa buong bansa ay itong protocol na ginawa natin ang purposes ay maprotektahan ang ating mga kababayan sa pagpasok nitong Delta Variant, itong Indian Virus na napaka panganib napakamabilis na kumalat kung maganda po ang performance ng Cebu Province sa pagtigil sa pagkalat ng COVID-19 then congratulations po wala po tong kinalaman sa protocol natin sa pag-quaquarantine ng ating mga kababayan umuwi ng sampong araw nating lalagay diyan at masigurado natin bago pa man sila maglakad lakad sa ating bayan ay malinis na po sa kanilang katawan ang COVID-19 virus.’
‘Ah nagkakaroon ng pag-uusap sa kanya no na at pati na rin ang provincial court na palitan nila yung provision kasi ang nagiging issue lang naman diyan ay is yung prohibit provision ng ordinansa at executive order na upon arrival isaswab ka pag nag-negative ka on a third day ah pwede ka nang palabasin para bumalik sayo yung bahay at mag home quarantine at umuwi doon sa LGU kung saan ka pupunta yun specifically approved na yon na hindi talaga yung swabbing upon arrival ang pagpapalabas sayo sa ikatlong araw kung ikaw ay nag-negative.’ Paliwanag ni Densing sa panayam ng DWIZ.