Nanawagan sa mga tumatakbong kandidato sa national election ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na maging modelo sa pagsunod ng Campaign rules upang hindi na magaya pa ng iba pang mga tatakbong Kandidato, Partido at mga taga-Suporta.
Kumpiyansa si DILG USec. at Spokesperson Jonathan Malaya, na alam ng mga kandidato ang ipinatutupad na batas maging ang kanilang mga ginagawa sa pangangampanya.
Ayon kay Malaya, inatasan na ng kanilang ahensya ang Philippine National Police (PNP) na i-monitor at bantayan ang mga ipinagbabawal na gawin ng isang kandidato sa gitna ng pangangampanya, kabilang na dito ang physical contact, pagkamay, pag¬halik o yung pakikipag besohan maging ang vote buying.
Umaasa si Nograles na mas bababa pa ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng pebrero kung patuloy na susundin ng bawat isa ang ipinatutupad na health protocols lalo na ngayong panahon ng pangangampaniya. —sa panulat ni Angelica Doctolero