Nanindigan ang DILG o Department of Interior and Local Government na ligal ang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay.
Ito’y sa kabila ng mga inaaning kritisismo at batikos mula sa oposisyon sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, malinaw ang itinatadhana ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991 na mayroong karapatan ang mga pinuno ng barangay na magdala ng armas.
Ito’y sa kundisyong gagamitin ang mga naturang armas sa paglaban sa kriminalidad na isa sa mga isinusulong na kampaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na supilin sa panahon ng kanyang panunungkulan.