Nakahanda na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga alkalde ng Metro Manila sakaling ibaba sa alert level 2 ang National Capital Region sa Nobyembre.
Ayon kay DILG Interior Undersecretary Jonathan Malaya, nakapaghanda na ang mga alkalde sa magiging adjustments sa oras na ipatupad ito.
Sinabi din ni Malaya na magiging matagumpay at maayos ang pagpapatupad kung sakaling ibaba ng pamahalaan ang alert level status dahil sa magandang datos kaugnay sa COVID-19.
Sa ngayon, nanatili sa alet level 3 ang NCR hanggang Oktubre 31. —sa panulat ni Airiam Sancho