Pagbabawalang lumabas ng bahay ang mga health worker at Authorized Personnel Outside of Residences kung saklaw ng granular lockdown ang kanilang mga lugar.
Ito ang nilinaw ni Interior Undersecretary Martin Diño sa gitna ng ikinakasang granular lockdowns sa Metro Manila.
Ayon kay Diño, isang kalsada o lugar lamang na may COVID-19 cases ang isasailalim sa quarantine.
Hindi rin anya papapasukin ang delivery services at hanggang checkpoint lamang ang mga ito habang tanging barangay personnel ang magdadala ng kanilang i-de-delivery sa recipient.
Samantala, tiniyak naman ng DILG official na magkakaroon ng ayuda ang mga residenteng maaapektuhan.—sa panulat ni Drew Nacino