Binawi ng gobyerno ang pag-aalis ng community quarantine sa mga lugar na itinuturing na low risk sa COVID-19.
Nilinaw ni DILG Secretary Eduardo Año na ilalagay ang low risk areas sa modified general community quarantine (MGCQ) dahil maraming local chief executives, governors at mayors ang nagpetisyon at sinabing hindi pa sila handang tanggalin ang community quarantine sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon kay Año maglalabas sila ng guidelines kung paano ipatutupad ng local government units ang modified GCQ upang magkaroon ng kapangyarihan ang mga ito na matigil ang pagkalat ng virus sa mga lugar na mayroon pa.
Kapag wala aniyang quarantine ay asahan na ang posibleng pagkakaruon ng second o third wave ng COVID-19.