Tanging point to point travel ang uubra para sa mga menor de edad sa ilalim ng alert level 3 sa Metro Manila mula Oktubre 16 hanggang 31.
Nilinaw ito ni DILG Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na nagsabi ring bawal pa rin ang mga bata sa mga pampublikong lugar lalo’t sarado pa rin sa ilalim ng alert level 3 ang mga playground at park.
Sinabi ni Malaya na maaari lamang lumabas ang mga bata kahit mga senior citizens kung essential services.
Sa ilalim lamang ng alert level 2 sa kaniyang pagkakaalam , pupuwedeng makalabas talaga ang mga bata sa gitna ng COVID-19 pandemic.