Nagpahayag ng pangamba ang isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga impormasyong nakukuha ni Vice President Leni Robredo hinggil sa giyera ng pamahalaan kontra droga.
Aminado si DILG Undersecretary Ricojudge Echiverri na magkahalo ang kanyang nararamdaman sa pagkakatalaga kay Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) dahil miyembro ito ng oposisyon.
Nangangamba anya sya at ilang miyembro ng ICAD na magamit laban sa administrasyon ang mga nakukuha nyang impormasyon hinggil sa drug war.
Nakakapangamba rin anya ang pakikipagpulong ni Robredo sa mga opisyal ng United States (US) at United Nations (UN) dahil batid ng lahat na maraming maling impormasyon ang ipinararating sa sa UN at iba pang dayuhang bansa hinggil sa giyera ng Duterte administration kontra droga.