Inatasan ni Dilg Officer – in- Charge Secretary Eduardo Año sina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at CIDG Director Roel Obusan na kumalap pa ng mas matibay na ebidensya laban sa self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.
Sinabi ni Año , na dismayado siya sa pagkaka- abswelto ng mga itinuturing nilang pangunahing personalidad sa kalakalan ng illegal na droga habang seryoso sila sa paglaban dito.
Hindi rin aniya siya nawawalan ng pag – asa na mababaliktad din ang desisyon ng Department of Justice sa kaso lalo pa’t umamin na aniya noon sa Senado si Espinosa na sangkot ito sa ‘illegal drug trade’
Suportado naman ni Año ang utos ni Justice Sec Vitaliano Aguirre na imbestigahan ang mga piskal na nagbasura sa kaso nina Espinosa.
-Jonathan Andal