Haharangin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-upo sa puwesto ng mga nahalal na kandidato sa iba’t ibang posisyon sa katatapos na eleksyon kapag hindi sila nagsumite ng kanilang ginastos.
Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, obligasyon ng mga kandidato na magsumite ng kanilang statement of contributions and expenses (SOCE) sa Comelec hanggang sa June 13.
Nakasaad sa SOCE ang kabuuang ginastos ng mga kandidato sa cash donations kabilang na ang mga nagastos mula kontribusyon.