Aprubado na ng Office of the President ang paglalabas ng halos P31-B na bayanihan grant to cities and municipalities.
Ang hakbang ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ay para mapaigting pa ang mga hakbang ng LOCAL Government Unit (LGU) sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang one time grant aniya sa mga lungsod at munisipalidad ay katumbas ng isang buwan nilang internal revenue allotment (IRA) na maaaring magamit sa COVID-19 response at relief operations.
Sinabi ni Año na nauunawaan ng gobyerno na malaking hamon ang pinagdaraanan ng lgu’s sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa kanilang nasasakupan.
Inihayag ng kalihim na gagamitin ang pondo para sa mga kinakailangang proyekto at aktibidad sa gitna ng krisis ng COVID-19 .
Kabilang dito ang pamimigay ng relief goods, procurement ng personal protective equipment (PPE)’s para sa frontline service providers, gamot at vitamins, mga kagamitan sa ospital, disinfectant, mga tent para magsilbing temporary shelter ng mga walang tirahan at iba pa.
Hinimok ni Año ang LGU’s na tiyaking magagamit ng maayos ang pondo para makapaghatid ng maayos na serbisyo.