Ipinag-utos na ni Interior Secretary Benhur Abalos sa opisyal ng DILG–Pangasinan na mag-leave sa trabaho matapos lumutang ang balitang pangha-harass umano ng mga pulis sa ilang onion farmer.
Hindi umano ipinaalam kay abalos ni DILG–Pangasinan Director Virgilio Sison ang direktiba nito sa Bayambang Municipal Police na imbestigahan at kumuha ng karagdagang impormasyon sa sinasabing pagpapakamatay ng limang magsasaka ng sibuyas.
Pinagpapaliwanag din ng kalihim si Sison habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kagawaran.
Batay sa ulat, hinarass umano ng PNP ang magsasakang mula Bayambang na si Merly Gallardo matapos itong tumestigo sa senado kaugnay sa mahal na presyo ng sibuyas.
Ibinunyag ito ni Senador Imee Marcos kasabay ng babala sa pambansang pulisya na huwag paki-alaman ang mga testigo ng mataas na kapulungan ng kongreso.