Inilipat na sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pangangasiwa sa contact tracing efforts ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Inter Agency Task Force (IATF) Spokersperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, batay na rin aniya sa napagdesisyunan ng IATF.
Ayon kay Nograles, makatutuwang ng DILG ang mga Local Government Units (LGU’s) sa contact tracing na siyang mas nakakaalam sa pagkakakilanlan ng kani-kanilang mga nasasakupan.
Kasunod nito, inaatasan aniya ng IATF ang DILG na pumasok sa isang data sharing agreement sa Department of Health (DOH) alinsunod na rin sa isinasaad ng Data Privacy Act.
Maalala natin na sa IATF Resolution No. 22, inatasan ang Office of Civil Defense na manguna sa contact tracing efforts ng gobyerno. Kahapon nadesisyunan ng IATF na ang DILG na, sa tulong ng mga LGU ang mangunguna sa contact tracing efforts,” ani Nograles.