Inatasan ng Interior Department ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga indibidwal na nasa likod ng pagbebenta o nagtuturok ng pekeng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Ito’y matapos na magbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko laban sa pagbili ng mga pekeng bakuna.
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG officer-in-charge at Undersecretary Bernardo Florence Jr., na ang ahensya ay nakatatanggap na ng ilang mga reports na may mga pekeng bakuna kontra COVID-19 ang kumakalat sa merkado.
Ani Florece, sa ngayon ay nakabantay na ang mga tauhan ng PNP Aviation Security Group, maritime group at ilan pang pwersa ng pamahalaan para i-monitor at tignan ang anumang pagtatangkang pagpapasok ng mga pekeng bakuna sa bansa.
Sa huli, nanawagan si Florece sa publiko na huwag tangkilikin ang mga pekeng bakuna at agad na mag-report sa mga awtoridad hinggil sa anumang impormasyon na makapagtuturo sa sinumang sangkot dito.