Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay chairman sa pagsunod sa lingguhang clean up drive kaugnay sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, kapag nalaman niyang sumuway ang mga barangay captains sa linggo linggong clean up drive, padadalhan niya ng show cause order at kapag hindi nakasagot nag mga ito, ididiretso na niya ang reklamo sa Ombudsman.
Sinabi ni Diño na mayruong mga alkalde na ring natanggal na sa puwesto tulad ng mayor ng Aklan dahil sa Boracay kaya’t hindi exempted ang mga alkalde sa Metro Manila at halos 180 iba pa na nakakasakop sa manila bay na masibak din sa tungkulin kung hindi ipatutupad ang Republic Act 9003 o Clean Water Act.
Ipinabatid ni Diño na halos isanlibo mula a mahigit limang libong barangay ang hindi sumusunod sa clean up drive na ipinag utos ni DILG Secretary Eduardo Año.
Inihahanda na aniya niya ang pagpapalabas ng show cause orders sa mga barangay sa regions 3, IV-A at National Capital Region (NCR) na bigong sumunod sa nasabing direktiba.