Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay officials na maghinay-hinay at maging maingat sa pag gastos sa Yuletide Social Assistance Program (YSAP).
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, kailangang siguruhing reasonable ang pinagkagastusan at hindi ito makaaapekto sa pagbibigay serbisyo sa publiko.
Sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No.1 dated December 23, ang mga opisyal ng barangay kabilang ang sangguniang kabataan (SK), SK treasurer, SK secretaries, mga kagawad, at iba pang mga manggagawa ng barangay ay maaring tumanggap ng social assistance benefit mula sa pondo ng barangay.