Pinabulaanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang ‘window hour’ na ipinatutupad sa gitna ng umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.
Ayon kay Usec. Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG, fake news aniya ang post na kumakalat online na may logo ng iba’t-ibang ahenysa ng gobyerno at nagsasaad sa ‘window hour’ na pinatutupad at ang oras nito.
Ang paglilinaw na ito ay bunsod ng patuloy ng paglabas ng mga residente sa kani-kanilang mga bahay kahit na bawal ito alinsunod sa quarantine.
Samantala, inabisuhan naman ng DILG ang pamunuan ng pambansang pulisya na huwag mang-aresto sa halip na himukin na lamang ang mga residente na manatili sa kani-kanilang mga tahanan. Lalo na kapag hindi mahalaga ang kanilang gagawin alinsunod sa inilabas na panuntunan ng pamahalaan.
Sa panulat ni Ace Cruz.