Pinakilos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) para tumulong sa pagsasagawa ng pinalawig na coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, dapat damihan ng LGU ang contract tracing teams (CTT) nito para tukuyin ang mga indibidwal na mayruong exposure sa confirmed COVID-19 cases.
Sinabi ni Año na mahalaga ang papel ng CTTs para tuluyang bumaba ang kaso ng COVID-19 dahil sa mga ito nakasalalay ang pagtukoy at pag-isolate ng mga nasalamuha ng may sakit at pagpapagamot ng mga COVID-19 positive.
Ang CTT sa kada LGU aniya ay dapat pamunuan ng hepe ng pulisya at i-a-assist ng city o municipal health officer.