Inatasan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang mahigit 2,000 Local Government Units (LGUs) na isurender ang mga baril na nakapangalan sa kanila.
Ito’y batay sa memo na nilagdaan ni Interior Secretary Benhur Abalos kung saan saklaw nito ang 2,247 LGUs sa buong bansa, kabilang ang mga barangay, na mayroong mga baril na paso na ang rehistro.
Pinaalalahanan ni Abalos ang mga lokal na pamahalaan na sumunod sa batas at ideposito ang kanilang mga baril ‘for safekeeping’ upang mabawasan ang pagkalat ng loose firearms sa bansa.
Kasabay nito, ipinag-utos din ng DILG sa Philippine National Police na asistehan o alalayan ang mga LGUs sa pagsunod sa nasabing direktiba.