Inabisuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na umpisahan na ang kanilang barangay inter-agency efforts laban sa tumataas na kaso ng dengue.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, na-institutionalize na ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) mula pa noong 2012.
Inatasan na rin aniya ng dilg ang mga alkalde at opisyal ng mga barangay na pangunahan ang mga clean-up drives at bantayan ang sitwasyon pangkalusugan sa kanilang mga lugar.
Hinimok rin ni Abalos ang publiko na gawin ang Search and Destroy Breeding Sites, Seek Early Consultation, Self-Protection, and Say ‘Yes’ to Fogging Only in Hotspot Areas where an Increase is Registered for Two Consecutive Weeks (4S). – sa panulat ni Hannah Oledan