Pinayuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga militanteng student organizations na tumututol sa pagkakaroon ng presensya ng mga pulis at militar sa mga unibersidad sa bansa.
Ayon kay DILG Usec. at Spokesperson Jonathan Malaya, dapat ay maging katuwang na ang mga militanteng mag-aaral sa pagbabago ng panahon at bumuo na ng mga bagong slogan para aniya ay maiba naman sa halip na muling igiit ang militarisasyon o martial law.
Sinabi ni Malaya na gasgas na at bumenta na ang isinisigaw ng mga ito na martial law.
Hindi umano kayang balewalain ng pamahalan ang mga taghoy at pagdurusa ng mga magulang na dumulog sa senado at nagsiwalat kung ano ang tunay na nangyayari sa kanilang mga anak.