Handang ipatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga hindi nagsusuot ng face mask o face shield.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ito’y upang magtuloy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Bukod dito, sinabi ni Año na mahalagang ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng lahat ng minimum health standards at protocols, gayundin ang implementasyon ng curfew hours.
Inatasan din umano ni Año ang PNP na tiyakin na ang panghuhuli ng mga violators ay nakabase sa batas at mga ordinansa.