Posibleng maharap sa administrative complaint at kasong libelo ang DILG o Department of Interior and Local Government dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan kapag isinapubliko ang narco list o listahan ng mga politikong sangkot umano sa iligal na droga.
Ito’y ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon hinggil sa plano ng DILG at ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na isapubliko ang naturang listahan bago magsimula ang kampanya ng mga local candidates.
Mas dapat aniyang gawin ng DILG na ipaghanap ng kaso ang mga kandidatong sangkot sa drug trade.
Samantala, hinimok din ni Senadora Nancy Binay ang DILG na kasuhan ang mga nasa narco list sa halip na isapubliko ang mga pangalan nito.
(with report from Cely Ortega-Bueno)