Nakatakdang bisitahin ng mga opisyal ng DILG Region 3 at iba pang mga lokal na opisyal ng rehiyon ang itinatayong drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.
Sinabi ni DILG Region 3 Director Florida Dijan, malaki ang maitutulong ng rehab center na ito sa mga sumusurender na drug dependents at tulak ng iligal na droga para sa kanilang pagbabagong buhay.
Ayon kay Dijan, kayang makapag-accomodate ng inisyal na 1000 mga pasyente ang bagong rehab center kapag nagbukas na ito.
Aminado naman si Dijan na kung tutuusin, hindi pa rin sapat ang itatayong rehab center sa dami ng mga nagsisisukong mga sangkot sa paggamit at pagtutulak ng iligal na droga sa rehiyon.
Gayunpaman, maaari, aniya, itong tugunan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng community rehabilitation network.
Ito ay ang pagpapasa ilalim sa mga drug surenderees sa ibat ibang rehabilitation activities sa kanilang komunidad sa pakikipag koordinasyon sa TESDA, nang hindi na kailangan pang ipasok sila sa rehab facility.
Kailangan din aniya ay may mahigpit na monitoring at regular na pagsubaybay sa mga drug surenderee upang matiyak na hindi na sila babalik pa sa dating bisyo at pagtutulak ng iligal na droga.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal