Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga organizer ng community pantry na mag-isip ng paraan para maabutan ng tulong ang mga senior citizen nang hindi nila kailangang lumabas ng bahay at makipila.
Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, magiging posible aniya ito kung makikipagtulungan sa mga opisyal ng barangay.
Kasabay nito, pinaalala ni Malaya na kasalukuyang umiiral pa rin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus kung saan bawal lumabas ang mga senior citizen.
Kaya naman anila nakikiusap sila sa mga organizer ng community pantry na gumawa ng ibang paraan para hindi na kailangan papilahin ang mga matatanda.