Kinalma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga nangangambang residente ng Capas, Tarlac.
Ito ay matapos gamitin bilang quarantine facility para sa mga balik bansang Pilipino mula Wuhan City ang Athlete’s Village sa New Clark City.
Ayon kay Año, walang dapat ikatakot ang mga taga-Capas dahil mahigpit ang ipatutupad na protective measure ng pamahalaan.
Aniya, walang magiging banta sa 2019 novel coronavirus (nCoV) dahil hindi naman masisilayan ng mga residente kahit ang anino ng mga naka-quarantine na mga OFW’s sa Athlete’s Village.
Dagdag ni Año, kanilang nauunawaan ang sentimiyento ng lokal na pamahalaan at mga residente ng Capas pero nagpasiya pa rin ang national government na gamitin anag pasilidad dahil matinding pangangailangan at pambansang interes.
Binigyang diin pa ni Año, kapwa mga Pilipino rin ang mga inilikas mula Wuhan na nangangailangan ng tulong at pang-unawa mula sa lahat.