Muling pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government o DILG ang publiko na iwasang bumili o gumamit ng mga malakas at na ipinagbabawal na paputok isang linggo bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy, sa halip na mga banned firecracker, dapat ay bumili na lamang ng mga pailaw o pyrotechnic na maaaring gamitin sa labas ng bahay at mga itinalagang community fireworks display area.
Ipinaalala rin ni Uy sa mga local government units na mag-issue ng mga permit para sa mga community fireworks display.
Dapat aniyang nakasaad sa permit ang lugar, petsa at oras ng fireworks display alinsunod sa national standards, rules and regulations.
Kabilang ssa mga prohibited firecrackers ang piccolo, super lolo, whistle bomb, goodbye earth at watusi.
—-