Nag-alok na si Interior Secretary Benhur Abalos ng kalahating milyong pisong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa mga pumatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Aminado si Abalos na personal niyang pera ang kanyang gagamitin para mapabilis ang pagresolba sa kaso at mabigyang hustisya si Mabasa at pamilya nito.
Welcome naman sa kapatid ni ka Percy, na si Roy Mabasa, ang alok ng kalihim.
Lunes ng gabi nang pagbabarilin ng riding-in-tandem si Lapid malapit sa bahay nito sa barangay Talon Dos, Las Piñas City.