Pinuri ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., si Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr., dahil sa paghahain nito ng courtesy resignation.
Ito ang sinabi ni Sec. Abalos kasunod ng una nitong panawagan sa mga police colonel at general na maghain ng pagbibitiw sa pwesto para masuri ng five-person committee ang kanilang katayuan.
Ayon kay Sec. Abalos, maganda ang ipinakitang aksyon ni Azurin sa kaniyang mga kapwa opisyal na senyales ng tunay na karangalan at integridad sa serbisyo.
Dapat aniyang maging inspirasyon sa iba ang marangal na aksyon ng PNP Chief, upang makapaghain na rin ng pagbibitiw.
Noong lunes, naghain ng courtesy resignation si Azurin kasama ang buong command group nito.