Nagbalik-trabaho na ngayong araw si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Ito ang inihayag ng tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya.
Ani Malaya, ang pagbabalik trabaho ni Año ay makaraang bigyan ito ng kanyang mga doktor ng clearance para muling gampanan ang tungkulin.
Magugunitang dalawang beses nang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Secretary Año, at nito lang September 2 ay tuluyan na itong nakarekober.