Nagpasalamat si Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Eduardo Año sa publiko dahil sa tiwala at kumpiyansang kaniyang nakuha.
Ito’y makaraang makakuha siya ng 68% approval ratings sa National Capital Region o NCR batay sa survey ng RP- Mission and Development Foundation mula Hulyo 3 hanggang 10, 2021 .
Pangalawa si Año kay MMDA Chairman Benhur Abalos na nanguna sa naturang survey na nakakuha ng 70% approval ratings.
Nasa 3,500 na mga respondents ang sumailalim sa survey kung saan, hiningan sila ng grado ng mga miyembro ng gabinete na para sa kanila ay masipag magtrabaho at may magandang performance.
Sinabi ni Año na ang high approval rating ay patunay ng mga pagsisikap at maraming nagawa ng departamento sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang DILG Chief.
Pinapurihan din ng kalihim ang DILG family na mas pinagsikapang mahatiran ng mahusay na serbisyo ang publiko.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)