Nakatakda nang magbalik trabaho si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa susunod na linggo.
Ito’y makaraang makalabas na ng ospital ang kalihim matapos dapuan ng COVID-19 kung saan, nagnegatibo na ito sa nasabing virus.
Ayon sa kalihim, nagpapalakas na lamang siya ngayon sa kaniyang bahay bagama’t patuloy pa siyang naka-isolate dahil nagpositibo naman ang kaniyang asawa sa COVID-19 bagama’t mild lamang ang sintomas nito.
Bagama’t may iniinda pa ring ubo, sinabi ni Año na maayos naman na ang kalagayan ng kaniyang pangangatawan sa kasalukuyan at wala na rin ang kaniyang lagnat.
Dahil diyan, patuloy na umaapela ang kalihim sa publiko na huwag ipagwalang bahala ang banta ng COVID-19 kaya’t makabubuti pa ring sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagpapanatili ng physical distancing, proper hygiene ang sanitation.