Suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng mandato na panatilihin ang kaayusan sa buong bansa.
Ayon kay Abalos, handa niyang protektahan at kakampi nito ang pambansang kapulisan kung sila ay tutupad sa sinumpaang tungkulin at responsibilidad alinsunod sa batas.
Sinabi rin nito na tuloy ang kampanya kontra iligal na droga sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Pinatututukan din ni Abalos sa PNP ang pagsugpo sa cybercrimes at pagsampa ng mga kaso laban sa mga suspek na sangkot sa iligal na droga.