TULOY sa kaniyang trabaho si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng kalihim na siya ay nagpositibong muli sa COVID-19 matapos namang sumailalim sa RT-PCR test kahapon at lumabas ang resulta ngayong umaga.
Gayunman, sinabi ni Año na siya’y asymptomatic kaya’t patuloy niyang gagampanan ang kaniyang tungkulin kahit siya’y naka-isolate sa ngayon.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagpositibo sa virus si Año buhat nang magsimula ang pandemiya may 2 taon na ang nakalilipas.
Samantala, naka-quarantine din sa Kampo Crame si Philippine National Police o PNP Spokesman P/Col. Roderick Alba na positibo rin sa virus.
Nakararanas si Alba ng sintomas tulad ng ubo, sipon at trangkaso kaya agad siyang nagtungo sa Kiangan Quarantine facility.
Magugunitang nagpositibo rin sa COVID 19 si PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos na ngayon ay naka quarantin din.