Balik trabaho na si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año matapos mag-medical leave ng tatlong buwan dahil sa COVID-19.
Ito’y ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya sa isinagawang Laging Handa public briefing. Sa ngayon ay wala pang ibang ibinibigay na utos ang kalihim ani Malaya.
Magsasagawa aniya sila ng pagpupulong kasama si Sec. Año mamayang 2PM, at sinabi nito na patuloy na magtrabaho at magbantay sa pagbibigay ng ayuda.
Magpupulong pa kami mamayang 2PM, wala pa siyang ibinigay except to continue doing our job and monitor yung sa ayuda,” ani Malaya.
Samantala, ayon kay Malaya bumibilis na ang pagbibigay ng ayuda ng mga lokal na pamahalaan.
Dagdag pa niya, depende sa ibibigay na dahilan ng naturang LGU kung papayagang ma-extend ang deadline sa pagbibigay ng ayuda.
Depende ito sa ibibigay na dahilan ng LGU at doon din sa tugon nila na joint memorandum circular na ibinigay ng DILG,” ani Malaya.