Sinibak na ng Pangulong Rodrigo Duterte si DILG o Department of Interior and Local Government Secretary Mike Sueno.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Ayon kay Abella, nawala na ang tiwala ng Pangulo kay Sueno matapos itong masangkot sa di umano’y mga anomalya sa DILG.
Sinabi ni Abella na may mga tinanong pa ang Pangulo kay Sueno bago inihayag ang kanyang desisyon.
Binigyang diin ni Abella na ang pagsibak ng Pangulo kay Sueno ay isang patunay na hindi kukunsintihin ng Pangulo ang kahit sino sa kanyang gabinete na masasangkot sa mga illegal na gawain kahit pa nakatulong ito sa kanyang pagtakbo bilang Presidente.
Magugunita na isa di umano si Sueno sa mga nangumbinsi at nangampanya nang tumakbo sa eleksyon ang Pangulo.
By Len Aguirre | with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
READ: DOJ Secretary Aguirre: “Merong malungkot na nangyari kagabi, naapektuhan talaga si Secretary Sueno”
Photo Credit: Secretary Piñol / via Aileen Taliping (Patrol 23)