Sinampahan ng reklamo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Olongapo City Mayor Rolen Paulino, Jr. Dahil sa umanoy paglabag sa protocols na itinakda ng Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya na mayruong itinakdang quarantine rules si Paulino na labag sa guidelines ng IATF.
Abril nang magpalabas ng show cause order ang DILG laban kay Paulino nang magkaruon ng pagtitipon ang mga residente at malabag ang physical distancing rules apra sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
May 21 naman nang maglabas ng Executive Order si Paulino kung saan pinapayagan nito ang pag a angkas sa motorsiklo kaakibat ang special pass para rito bagamat sinuspindi rin ito ng alkalde makalipas ang limang araw.
Ayon kay Malaya kabilang sa mga kasong isinampa nila laban kay Paulino sa Office of the OMBUDSMAn ay paglabag sa Bayanihan Act, paglabag sa mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern at open disobedience sa ilalim ng article 231 ng revised penal code.