Nagsimula nang mag-ikot ang mga task force ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang inspeksyunin kung nakasunod ang mga alkalde sa 60-araw na deadline upang linisin ang lahat ng obstructions sa mga kalsada.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, maging ang mga undersecretaries at assistant secretaries ay mayroong assignment kung anong syudad ang kanilang susuyurin.
September 13 pa lamang ay nakapagsumite na ng report ang Makati, Las Piñas, Marikina, Valenzuela, Navotas at Pateros na 100% nang malinis sa obstructions ang kanilang mga kalsada.
Gayunman, sinabi ni Diño na dapat ay maging responsibilidad na ng barangay captain ang pagtiyak na hindi na babalik ang mga obstructions.
Una nang sinabi ni Diño na suspensyon ang katapat na parusa ng mga hindi makakasunod sa deadline.
Kasi hindi naman pwedeng araw-araw nandiyan ang task force, e, kaya dapat ‘yon, iiwan kay kapitan na ‘yung kanyang barangay ay clinear na kaya siya ang magme-maintain katulong ng station commander. Kung ganoon ang nangyari, dapat marami ng barangay captain ang na-isyuhan ng show cause order o iexplain kung bakit bumalik [ang mga road obstructions], by that, diyan namin madedetermine kung dapat ng suspindidhin si kapitan,” ani Diño. — sa panayam ng Ratsada Balita